Wednesday, June 20, 2007

proverbs

roverbs reflects the customs, morale, and understanding of our ancestors. It gives and illustrates lessons and teachings about our day-to-day life. It is intelligently and symbolically written thus making its meaning indirectly addressed.

Examples:

· Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa paroroonan.
· Ang taong nagigipit, kahit sa patalim kumakapit.
· Saan mang gubat ay may ahas.
· Kung anong taas ng paglipad, siya naming lalim ng pagbagsak.
· Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.
· Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
· Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.
· Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
· Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
· Ang bayaning nasusugatan, nagiibayo ang tapang.
· Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.
· Kung ano ang puno, siya ang bunga.
· Kung walang tiyaga, walang nilaga.
· Kung may tinanim, may aanihin
· Huli man daw at magaling, naihahabol din.
· Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
· Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
· Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
· Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
· Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
· Kung di ukol, di bubukol
· Kung may isinuksok, may madudukot.
· Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
· Ang magalang na sagot, nakakapawi ng pagod.
· Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan.
· Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
· Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
· Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
· Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
· Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.
· Malaking puno, ngunit walang lilim.
· Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
· Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
· Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
· Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
· Daig ng maagap ang taong masipag.
· Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka ng maluto'y iba ang kumain.
· Kunwaring matapang, bagkus duwag naman.
· Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin.
· Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.
· Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
· Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
· Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
· Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
· Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
· Malakas ang bulong kaysa sigaw.
· Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
· Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
· Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluat.
· Kung saan ang hilig duon mabubuwal.
· Yaong mapag-alinlangan, madalas mapagiwanan.
· Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol.
· Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang pagkakayari.
· Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak.
· Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.
· Ang araw bago sumikat nakikita muna'y banaag.
· Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
· Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.
· Saan mang gubat ,ay may ahas.
· Kung ano ang itinaas-taas, siyang binaba-baba sa pagbagsak.
· Ang pagsasabi raw ng tapat ay pagsasama ng maluwat
· Paglalagay ng pera sa bulsa para raw laging may laman ito buong taon.
· Pagbabayad sa lahat ng pagkakautang bago pumasok ang Bagong Taon.
· Pag-iingay sa pamamagitan ng pagpapaputok, pagbubusina, pagpapatunog ng kampana para maitaboy ang mga masasamang espiritu.
· Pagbubukas sa lahat ng bintana sa pagsapit ng ika-alas dose sa unang araw ng taon upang itaboy ang malas at pumasok ang suwerte.
· Paghahain ng mga bilugang prutas at iba pang bilugang pagkain sa mesa para suwertehin ang lahat ng miyembro ng pamilya sa buong taon.
· Pagkain ng labindalawang ubas pagsapit ng ika-alas dose para suwertehin sa buong taon.

salawikain, kasabihan at sawikain

Mga Salawikain, Kawikaan, at Kasabihan


Ang salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga salitang Tagalog
na katumbas ng salitang proverbs sa english.

Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing
pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay
patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.

Karamihan sa mga Pilipino proverbs ay minana natin sa ating mga
ninuno kaya kadalasan ang mga eto ay tumatalakay kanilang mga
karanasan at pag-uugali nuong mga unang panahon.

Pinalalaganap ng mga nakatatanda ang mga salawikain, kawikaan,
at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata ukol sa
angkop na pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa
kapwa, at sa tahimik at masayang pamumuhay.


Heto ang ilan sa ating mga paboritong tagalog proverbs or words of
wisdom::


Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang
huli ay humahantong din eto sa kasalan.


Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng
mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu
lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng
patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa
siyang mangailangan ng pera.


Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat
siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong
magtipid at maging payak sa pamumuhay.


Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
nakalaan para sa iyo.


Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing
biyaya


Lahat ng gubat ay may ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na
gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa
samahan ng bawat isa.


Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa
mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang
pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o
mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa
pagkukulang ng ibang tao.


Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at
pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at
pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang)
anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga
magulang.


Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa
ay tutulungan ka rin.

tulang bayan

Tulang Bayan
Introduksiyon

Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis.

Ang Matandang Panahon

Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula.
Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.
Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.

Halimbawa:
Baston ni Kapitan
Hindi mahawakan Ahas
Bumili ako ng alipin
Mataas pa sa akin Sumbrero

Hindi lapis
Hindi ballpen
Nagsusulat ng eleven Sipon

Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na gawain (Talindaw, p.3).
Halimbawa: Salawikain
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Hindi makakarating sa paroroonan.

Ang taong nagigipit,
Sa patalim man ay kumakapit.

Kasabihan

Saan mang gubat
Ay may ahas.

Kung ano ang itinaas-taas,
Siyang binaba-baba sa pagbagsak.

Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan (Talindaw, p.3). Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang saknong. Halimbawa:

Magdalita ang niyog,
Huwag magpakatayog;
Kung ang uwang ay umuk-ok
Masasaid pati ubod.

Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa. Halimbawa:
Putak, putak!
Batang duwag!
Matapang ka't nasa pugad!

Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari. Halimbawa:
Tabi, tabi po, Ingkong
Makikiraan po lamang.

Bari-bari Apo
Umisbo lang ti tao. (Ilokano)

Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaít ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Halimbawa:
Talindaw

Sagwan, tayoy sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tanghaliin,
Pagsagwa'y pagbutihin.

Oyayi o Hele

Matulog ka na, bunso,
Ang ina mo ay malayo
At hindi ka masundo,
May putik, may balaho.

Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Ang katangian na makikita sa epiko ay ang pagkakaroon ng kaisahan na banghay, mabilis na aksiyon, paggamit sa mga istorying kababalaghan, at ng nakatitinag-damdamin at dakilang paksa (Talindaw,p.6). Ang ating mga ninuno ay naglayong gamitin ang epiko para pangritwal. Ipangaral sa mamamayan ang kani-kanilang mga tungkulin sa sambayanan. Ang mga sumusunod ay mga iba't ibang epikong galing sa iba't ibang tribo: una; ang epikong Biag ni Lam-ang ay galing sa mga Ilokano. Ang epikong ito'y akda ni Pedro Bukaneg na taga-Abra na naging dalubhasa sa samtoy (Ilokano) at Kastila. Pangalawa; ay ang Maragtas na galing sa Panay. Ito ay kasaysayan ng 10 datung Malay na tumakas sa Borneo (dahil sa kalupitan ni Sultan Makatunaw) at ng mga unang araw nila sa Panay na kanilang binili kay Haring Marikudo ng mga Aeta. At ang pangatlo'y ang Alim ng mga Ipugaw. Dito itinutukoy and pagkakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan na siyang pinagmulan ng kagalitan at patayan sa daigdig bilang tala ng sumpa ng Bathalang si Makanungan.
Sa pangkabuuan mapapansin at mapapag-aralin natin na ang mga tula noong mga matandang panahon ay nagpapakita kanilang kahirapan, pagkakawagi laban sa mga kasamaan at digmaan, kasaganaan sa bukid, kaligayaan, katapatan, at iba pang malapit sa kanilang buhay at kapaligiran.

Ang Panahon ng mga Kastila

Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle ang mga dayuhan sa ating bansa karamihan nilaíy mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kayaíy madali nilang nai-spread ang Kristianismo at ang kulturang espanyol. This was possible since ang mga dayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng willingness to pagkatuto at pag-unawa sa ating mga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilang mga kamay ang ating mga pusoít isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula. Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon, pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa. Mga katangiang abundant na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido.
Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay magkakatugma. Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya sa Panginoong HesuCristo. Halimbawa:
Quintilla

Umulan man sa bundoc
houag sa dacong laot,
aba si casampaloc
nanao nang dico loob
ualang bauonang comot.

Ang Pasyon. Ang pasyon ay marahil ang pinaka-famous na anyong tula noong panahon ng ,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula noong siyaía ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang saknong o taludtod:
O Diyos sa kalangitan
Hari ng Sangkalupaan
Mabait, lubhang maalam
At puno ng karunungan.

Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit itoíy nagsasalaysay sa buhay ni Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay tinatawag na flores de Mayo.
Ang Awit at Korido. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.
Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.periyalismong

Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat

Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil pinaka-importanteng mga literary works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapa-free from koloniyalismong mentalidad, at I-expose ang mga promlema buhat ng pagkasakop ng mga Indio sa mga Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng paksang makabayan, paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang sumakop.
Ang panahong ito ay nahahati sa dalawang maimpluensiyang grupo, pangpropaganda at panghimagsikan. Ang unang layunin ng propaganda ay naglalayong humihingi ng reporma na manggagaling sa mga Espanyol. Ang pinakakilalang propagandista ay ang ating bayabing si Dr. Jose Rizal. Si Dr. Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao upang labanan ang mg sakitt ng lipunan at ang mga mabaluktoo na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya ang popular na tulang pinamagatang Mi Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing propagandista ay sina Graciano Lopez-Jaena at si Antonio Luna.
Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang layunin at demands sa Espanya at ng mga Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o kayaíy nabuo ang bagong kilusang Panghimagsikan. Ang kilusang Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas upang makamtan na ng ating Inang Bayan ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang mga oppressors ng ating bayan. Ang pangunahing pinuno ng kilusang himagsikan ay si Andres Bonifacio.

Ang Panahon ng mga Amerikano

Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang makikitang paggamit ng tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga makata at manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon, sosyalidad, at pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing kampeon ng mga taong mabababa ang kalagayan sa pamayanan. Ang kaniyang mga gawain ay makabayan matimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit at ang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang mga tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang Pamana.

Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis

Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating pagkakaloob sa mga Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minana natin sa mga Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga kabataang mag-aaral. Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sa kanilang pamamalakad ng gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo, imperyalismo, at piyudalismong paraan ng pamumuno. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa panahong ito at ang kaniyang tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan" ay naghahayag ng mga makikitang sakit ng lipunan.

Kongklusiyon
back to my main page

ganito ang mga banat

>Hindi lahat ng kinakalabit, gitara.
>
>Hindi lahat ng fini-finger, piano.
>
>Hindi lahat ng binobomba, poso.
>
>Hindi lahat ng binabayo, bigas.
>
>Hindi lahat ng inaararo, bukid.
>
>Hindi lahat ng kinakabayo, aso. ( ? )
>
>Hindi lahat ng pinapasukan, eskwelahan.
>
>Hindi lahat ng nilalabasan, exit.
>
>Hindi lahat ng sinusubo, kanin.
>
>Hindi lahat ng pinapapak, ulam.
>
>Hindi lahat ng hiyas, perlas.
>
>Hindi lahat ng matigas, bato.
>
>Hindi lahat ng batuta, pamalo.
>
>Hindi lahat ng hiwa, sugat.
>
>Hindi lahat ng dumudugo, sugat.
>
>Hindi lahat ng butas, sa ilong.
>
>Hindi lahat ng buhok, sa ilong.
>
>Hindi lahat ng nag-aattention, sundalo.
>
>Hindi lahat ng may ugat, puno.
>
>Hindi lahat ng pinipisil, pisngi.
>
>At hindi lahat ng pisngi, sa mukha.
>
>Hindi lahat ng bibig, may ngipin.
>
>Pero lahat ng may bigote, bibig.
>
>Hindi lahat ng tumatayo, may paa.
>
>Pero lahat ng may ulo, tumatayo.
>
>Hindi lahat ng bola, tumatalbog.
>
>Pero lahat ng itlog, binabate.
>
>Hindi lahat ng binibiyak, niyog.
>
>Pero lahat ng mani, binibiyak

salawikain

Salawikain at Kasabihan
mula sa Mga Pahina ni Laura

* Pahaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

* Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago; mabuti pa ang bahay kubo ang nakatira ay tao.

* Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.

* Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.

* Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.

* Ang mababa ay maganda, may dangal at puri pa.

* Ang kalusugan ay kayamanan.

* Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.

* Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.

* Hangga't makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.

* Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.

* Mahuli man at magaling, naihahabol din.

* Nasa huli ang pagsisisi.

* Ang nauuna ay nagsisisi, nagkukumamot ang nahuhuli.

* Ang pagkakataon sa buhay ay madalang dumating. Kapag narito na, ating samantalahin.

* Kung hindi ukol, hindi bubukol.

* Balat man at malinamnam, hindi mo matitikman.

* Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

* Bawat palayok ay may kasukat na suklob.

* Batang puso madaling marahuyo.

* Kung saan nahihilig duon din nabubuwal.

* Tikatikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.

* Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

* Ang bulsang laging mapagbigay, hindi nawawalan ng laman.

* Araw-araw ay "corpus" kung pista ay upos.

* Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga.

* Kung ano ang sukat ng ohales iyon ding ang laki ng butones.

* Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.

* Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.

* Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.

* Buhay alamang, paglukso ay patay.

* Isang kahig isang tuka.

* Buntot mo hila mo.

* Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.

* Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.

* Lahat ng gubat ay may ahas.

* Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.

* Nasa taong matapat ang huling halakhak.

* Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.

* Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.

* Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.

* Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.

* Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.

* Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.

* Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa biyenan.

* Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin
Iluluwa lung mapaso.

* Nakikita ang butas ng karayon, hindi makita ang butas ng palakol.

* Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.

* Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.

* Mahirap malipol ang masamang damo.

* Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim. Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.

* Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.

* Papunta ka pa lamang ay pauwi na ako.

* Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

* Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paruruonan.

* Ang langaw na dumapo sa kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

* Maraming salita, kulang sa gawa.

* Madaling sabihin, mahirap gawain.

* Wala kang mabubunot sa taong kalbo.

* May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

* Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.

* Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing, saka nang maluto'y iba ang kumain.

* Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

* Kung matigas ay bato, kung malambot ay tao.

* Pili nang pili, natapatan din ay bungi.

* Huwag magbilang ng manok hangga't hindi napipisa ang itlog.

* Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.

* Nauntog akong minsan ayaw ko nang mauli. Baka sa susunod ngipin ko ang mabungi.

* Huwag kang magbibintang kung hindi mo nakakamayan.

* Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.

* Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.

* Kung ang nabasagan ay hindi nanghihinayang, ako pa kayang nakabasag lamang.

* Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.

* Ang butong tinangay na aso, walang salang nalawayan ito.

* Ang utang ay utang, hindi dapat kaimutan.

* Ang iyong hiniram, isauli o palitan. Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.

* Kung labis ang tamis ang lasa ay mapait.

* Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.

* Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.

* Sala sa lamit, sala sa init.

* Gawain mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawain niya sa iyo.

* Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.

* Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.

* Masakit ang katotohanan.

* Madaling pumitas ng bunga kung dadaan ka sa sanga.

* Ibong sa ahola'y ikinulong nang mahigpit kapag nakawala'y hindi na babalik.

* Barang ginamit mo sa iyong kapuwa, siya ring panukat sa iyong pagkadapa.

* Ang karunungan ay kayamanan gamitin sa kabutihan.

* Kahoy mang babad sa tubig sa apoy huwag ilapit
'pag ito'y nadarang sa init, sapilitang magdirikit.

* Nawawala ang ari, nguni't ang uri ay hindi.

* Pag sapit ng gabi'y laging may umaga.

* Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.

* Kung may hirap ay may ginhawa.

* Kung ano ang taas ng pagkadakila
siya ring lagapak kapag nadapa.

* Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

* Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao,
ang dungis mo muna ang tingnan mo.

* Walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.

* Nang makatagpo ng damit na payong,
ang abang anahaw ay 'di na malingon.

* Ano man ang tibay ng piling abaka
ay wala ring silbi kapag nag-iisa.

* Minamahal habang mayruon, kung wala ay patapon-tapon.

* Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa pagkamatanda.

* Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.

* Sa taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa.

* Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.

* Walang matibay na baging sa mahusay maglambitin.

* Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

* Kung takot sa ahas, iwasan mo ang gubat.

* Kapag may isinuksok, may madudukot.

* Matutuyo na ang sapa nguni't hindi ang balita.

* Ang tunay na anyaya, may kasamang hila.

* Binatang taring, buwal ma'y tayo rin.

* Ikaw ang bahala, ako ang kaawa-awa.

* Ang damdaming nasugatan, gumaling man ay balantukan.

kasabihan

Journal - Kasabihan
muni-muni | liham | tula | awit | kasabihan | gp tips

Newly added Quotations

Boat by the Sunset
Every exit is an entrance to somewhere
Tell me, I may forget. Show me , I may remember. Involve me, I may understand.
The deeper the sorrow carves into your being, the more joy you can contain. - from The Prophet, Kahlil Gibran
It is not what you see but how you look at it.
You give but little when you give of your possessions. It is when you give of yourself that you truly give. - from The Prophet, Kahlil Gibran
Love knows not its depth until the hour of separation. - from The Prophet, Kahlil Gibran
AGreatness is not found in possessions, power, position or prestige. It is discovered in goodness, humility, service and character. - William Arthur Ward
A vision without a task is a dream;
A task without a vision is a drudgery;
A vision and a task is the hope of the world. - anonymous
To teach is to touch a life Forever...
Teach to reach your students; teach them to reach for the knowledge and wisdom you have to offer.
Ang pinaka-mainam na pataba sa lupa ay ang yapak ng magsasaka.
It is better to do nothing than to do something badly.
Learn to accept your mistakes. Don't waste time hiding them or making a wrong decision right.
It is only in dreaming that we hope.
It is in hoping that we live
It is in living that we fight.
It is in fighting that we succeed.
Confrontation produces friction and friction slows progress.
"We may run, walk, stumble, drive, or fly, but let us never lose sight of the reason for the journey, or miss a chance to see a rainbow on the way." - Gloria Gaither Author of 365 Meditations For Grandmothers.
Don't count your chicks before they become your girlfriends. - Keric

Still Quotable


"Learn by doing, teach by showing." - Juan Flavier, Barrio Doctor
"What use is running if you're on the wrong road?" - eloy
"This too shall pass." - concierge in Best Friend's Wedding
Anything worth doing is worth doing well.
Choose your battles.
"One's sunset is but another one's sunrise." - quoted by Cesar Aggalot
Facing up to a challenge is always a good first step.
"If students can be taught to think, they will be able to teach themselves throughout their lives." - Anne Schreider
"In sorrow one finds light." - Sionil Jose
"Love is not simply giving; it is judicious giving and judicious witholding as well." - Scott Peck
"Hindi ka nag-iisa! Marami tayo ... na nag-iisa." - Maglalako ng isda
"Kailangang nating maging open upang tayo'y maging close." - Sir Tex Gabo
"Courage is not the absence of fear; it is action despite the fear." - Scott Peck
"Everybody is unique... just like everybody else."
"Lend your voices only to sounds of freedom. No longer lend our strength to that which you wish to be free from." - Jewel
Ilaw ng buhay, ibahagi, isabuhay "When you have the chance to make a difference, do so." - Keric
"Adios tagipuson ni Hesus narampuan. Adios matamis nga guegma, adios, adios"
"A full life will be full of pain. But the only alternative is not to live fully or not to live at all." - Scott Peck
"When we resist our fate, we get hurt. When we accept it, we find happiness."
"Shallow brooks are noisy. Still water run deep.",
"We are loved beyond our ability to comprehend - Jewel
"Don't confuse the moon with the finger that points at it." - Zen Proverb
"Sir, pabayaan niyo kaming umiyak para matapos na." -Diana, sa huling meeting ng First Year Science.
"People who say it cannot be done should not interrupt those who are doing it."
"Success is a journey, not a destination."
"Ako nawalan lang naman ng gamit. Siya nagka-sala." - 'Tay Recto, matapos manakawan
"We are teaching the student, not the subject. "
"Kung indi dadi, inuro? Kung indi kita, sino?" - Sign board in Cuyo
"Each friend represents a world in us, a world possibly not born until they arrived; and it is only by this meeting that a new world is born." - Letters from the Closet
"Iisang bangka tayo . . ." - The Dawn, sang by the Cuyo Tangays
"Love and Cough could not be concealed." -Tagbanua Proverb
"Sometimes we have to refine our values by breaking them.
"Awitin ang awit sa panahong ito."
"Love sees more, not less. Because it sees more, it is willing to see less."
"You can tell who's inside if you recognize who's slippers are by the door."
thinking by the beach
"The woods are lovely, dark and deep. But I have promises to keep and miles to go before I sleep..." - Robert Frost
"Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin. Isa-isang hakbang lamang at ika'y makakarating." - Joey Ayala
"When the waves are against you, turn off the engine and go with the flow." - Tess Isidro
"Ang lahat ng bagay ay magka-ugnay." - Joey Ayala
"Maybe if we are surrounded in beauty, someday we will become what we see." - Jewel
"If you walk only on sunny days, you'll never reach your destination." - Heaven and Earth
"Do not expect initiative from a person who has followed too many orders."
"Pain refines your Character." - Tess Isidro
"Ang mali ay mali kahit nakangiti."

Back to Quotations by request. Please send in your quotations so we could add them to this list.
Back to top.

updated: June 5, 2000

Tuesday, June 19, 2007

images

http://www.friendster.com/photos/31542299/0/171574043

images

1 - 20 of 73 | < prev 1 2 3 4 next >

1 - 20 of 73 | < prev 1 2 3 4 next >

sawikain

IDIOMS)




una_bulaquena_juan_luna_1895.jpg (87706 bytes)
UNA BULAQUEÑA
Juan Luna






Ang Tagalog
ay mayaman sa mga sawikain.
Ang sawikain ay mga salita o
pagpapahayag na karaniwang
ginagamit sa araw-araw.


Ang mga
pagpapahayag na mga ito
ay nagbibigay, hindi ng tiyakang
kahulugan ng bawat salita,
kundi ng ibang kahulugan.



The introduction and selections on
this page were taken from
C.S. Canonigo's
MGA BUGTONG, SALAWIKAIN,
SAWIKAIN at mga PILING TULA
(Book I)
© 1996 Cebu City, Philippines

A
agaw-buhay -- naghihingalo between life and death (literal=life about to be snatched away)
anak-pawis -- magsasaka; manggagawa farmer; laborer; blue-collar worker
anak-dalita -- mahirap poor
alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang house-help with no income, provided with food and shelter
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

B
balitang kutsero -- hindi totoong balita rumor, gossip, false story
balik-harap -- mabuti sa harapan, taksil sa likuran double-faced person, one who betrays trust
bantay-salakay -- taong nagbabait-baitan a person who pretends to be good, opportunist
bungang-araw -- sakit sa balat prickly heat (literal=fruit of the sun)
bungang-tulog -- panaginip dream (literal=fruit of sleep)
BALAT (SKIN)
balat-sibuyas -- manipis, maramdamin a sensitive person (literal=onion-skinned)
balat-kalabaw -- mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya one who is insensitive; with dense-face (literal=buffalo-skinned)
buto't balat -- payat na payat malnourished (literal=skin-and-bone)
BIBIG (MOUTH)
tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob insincere words (literal=pushed-by-the-mouth)
dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal nagger, talkative person (literal=two-mouthed)
BITUKA (INTESTINE)
halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao a person with no moral compunction (literal=with a horizontal intestine)
mahapdi ang bituka -- nagugutom a hungry person (literal=sore intestine)
BULSA (POUCH/POCKET)
makapal ang bulsa -- maraming pera rich, wealthy (literal=with a thick pocket)
butas ang bulsa -- walang pera poor (literal=with a hole in the pocket)
sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan someone who knows his ability to pay
BUTO (BONE)
nagbabatak ng buto -- nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan one who works hard
matigas ang buto -- malakas a strong person
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

K
kidlat sa bilis -- napakabilis exceedingly fast
kusang palo -- sariling sipag initiative
KAMAY (HAND)
mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho a lazy person (literal=heavy-handed person)
magaan ang kamay -- madaling manuntok, manapok, manakit one who easily hits another person, easily provoked (literal=light-handed person)
mabilis ang kamay -- mandurukot a snatcher, pickpocket (literal=fast-handed)
malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya one who has the habit of stealing things (literal=listless hand)
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

D
di makabasag-pinggan -- mahinhin a very demure, prim-and-proper person (literal=someone who can't break a plate)
di mahulugang-karayom -- maraming tao overcrowded place (literal=where one cannot throw a pin)
DIBDIB (CHEST/HEART)
pag-iisang dibdib -- kasal wedding (literal=to be of one heart)
kabiyak ng dibdib -- asawa spouse (literal=the other half of the heart)
daga sa dibdib -- takot worry, fear (literal=mouse in the chest)
nagbukas ng dibdib -- nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan a man who proposed marriage (literal=opened his heart)
DILA (TONGUE)
bulaklak ng dila -- pagpapalabis sa katotohanan exaggeration (literal=flower of the tongue)
magdilang anghel -- magkatotoo sana to wish that what has been said will come true
makati ang dila -- madaldal, mapunahin talkative person (literal = one with itchy tongue)
matalas ang dila -- masakit mangusap one who talks offensively (literal = sharp-tongued person)
maanghang ang dila -- bastos magsalita a vulgar person (literal = spicy-tongued person)
matamis ang dila -- mahusay mangusap, bolero a fast talker (literal = sweet-tongued person)
kaututang dila -- katsismisan a gossip (literal = farting tongue)
sanga-sangang dila -- sinungaling a liar
may krus ang dila -- nakapanghihimatong one who could foretell an event
DUGO (BLOOD)
kumukulo ang dugo -- naiinis, nasusuklam a person who hates somebody (literal=boiling blood)
magaan ang dugo -- madaling makapalagayan ng loob a person with whom one gets along easily (literal=light-blood)
maitim ang dugo -- salbahe, tampalasan an evil or bad person (literal=dark-blooded)
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

H
hampas-lupa -- lagalag, busabos a bum person, without any goals in life
haligi ng tahanan -- ama father (literal = post of the house)
I
ilaw ng tahanan -- ina mother (literal = light of the house)
itaga sa bato -- tandaan to remember (something) forever (literal=cast in stone)
isulat sa tubig -- kalimutan to forget (something) forever (literal=write it on water)
ISIP (MIND/BRAIN)
makitid ang isip -- mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman someone incapable of understanding (literal=narrow-minded)
malawak ang isip -- madaling umunawa, maraming nalalaman someone who easily understands (literal=broad-minded)
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

L
LOOB (FEELINGS; LITERAL=INSIDE)
malakas ang loob -- matapang a brave person (literal=strong-willed)
mahina ang loob -- duwag a coward (literal=weak-willed)
mababa ang loob -- maawain merciful person (literal=low-hearted)
masama ang loob -- nagdaramdam a person with a grudge, painful or ill feelings against someone (literal=bad feelings)
mabigat ang loob -- di-makagiliwan a person with whom one could not get along with (literal=heavy vibes or feelings)
bukal sa loob -- taos-puso, tapat a sincere person, or one who gives with a pure heart (literal=pure-hearted)
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

M
mahabang dulang -- kasalan wedding
makalaglag-matsing -- nakaka-akit enchanting look
makuskos-balungos -- mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin hard to please, always complaining
mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe a person who is a spoiled brat
malapad ang papel -- maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong a person who is very influential
may magandang hinaharap -- may magandang kinabukasan a person with a bright future
may sinasabi -- mayaman, may likas na talino a wealthy person or a talented person
MATA (EYE)
matalas ang mata -- madaling makakita someone who could easily spot something (literal=sharp-eyed)
tatlo ang mata -- maraming nakikita, mapaghanap ng mali a fault-finder, cynical person (literal=three-eyed person)
namuti ang mata -- nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay a person who was stood up (literal=one whose eyes turned white)
matigas ang leeg -- mapag-mataas, di namamansin snobbish person (literal=stiff-necked)
matigas ang katawan -- tamad a lazy person (literal=stiff-bodied)
makapal ang palad -- masipag a busy-body, industrious person (literal=thick-palmed)
maitim ang budhi -- masamang tao, tuso an evil or bad person (literal=dark-souled)
mababaw ang luha -- madaling umiyak emotional person (literal=tear-on-the-surface)
MUKHA (FACE)
makapal ang mukha -- di marunong mahiya a shameless person (literal= dense-faced)
manipis ang mukha -- mahiyain a shy person (literal= thin-faced)
maaliwalas ang mukha -- masayahin a joyful person (literal= bright-faced)
madilim ang mukha -- taong simangot, problemado a problematic person (literal=dim-faced)
dalawa ang mukha -- kabilanin, balik-harap a deceptive, two-faced person
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

N
nakahiga sa salapi/pera -- mayaman rich, connotes someone who is spoiled by wealth
nagbibilang ng poste -- walang trabaho someone who is jobless, literally counting posts
namamangka sa dalawang ilog -- salawahan a person who is unfaithful
nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga an old man/woman insecure about his/her looks and dresses up like a young person
naniningalang-pugad -- nanliligaw a man courting a woman
ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan something that is not permanent, usually connotes a behavior or action not meant to last
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

P
panis ang laway -- taong di-palakibo a very quiet person
pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw twilight
patay-gutom -- matakaw glutton
pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal honeymoon
putok sa buho -- anak sa labas an illegitimate child; out-of-wedlock child
PAA (FEET)
makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad a person who is fond of going places (literal=itchy feet)
pantay ang mga paa -- patay na one who just died (literal=level feet)
PUSA (CAT)
nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao telling on somebody
saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho temporarily included in a game or work, a term used to refer to little kids fond of joining games or work of grown-ups
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

S
sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira someone who is privileged to lodge and board in house for free
samaing palad -- malas na tao an unfortunate person, unlucky person
sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi a false, pretentious person
T
takaw-tulog -- mahilig matulog a lazy person who always wants to stay in bed
takipsilim -- paglubog ng araw twilight
talusaling -- manipis ang balat a very sensitive person
talusira -- madaling magbago a person who easily changes
tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit a person who sneers
TAINGA (EAR)
matalas ang tainga -- madaling makarinig one who easily hears the news (literal=sharp-eared)
maputi ang tainga -- kuripot miser, scrooge (literal=white-eared)
nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan one who plays deaf (literal=closed-eared)
taingang kawali -- nagbibingi-bingihan one who plays deaf (literal=wok-eared: uses metaphor of the handle of a wok)
Back to Top
Back to Tagalog Homepage

U
utang na loob -- malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man (as noun) debt of gratitude
"utang na loob" -- malaking pakiusap, madalas ginagamit upang ipahiwatig ang masidhing damdamin ng nakikiusap, tulad ng "parang awa mo na" (as expression) "please", used to express the deepest feelings of the person asking for a very big favor, equivalent to "have mercy"


ULO (HEAD)
matalas ang ulo -- matalino bright, intelligent (literal=sharp-headed)
mahangin ang ulo -- mayabang arrogant person (literal=air-headed)
malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon in a good mood (literal=cool-headed)
mainit ang ulo -- pangit ang disposisyon in a bad mood (literal=hot-headed)
lumaki ang ulo -- yumabang someone who became proud, arrogant (literal=one whose head grew big)
matigas ang ulo -- ayaw makinig sa pangaral o utos one who is stubborn (literal=hard-headed)
basag-ulo -- gulo, away chaos, quarrel, fight (literal=break head)
may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa a person who has been cheated by his/her spouse (literal=one with shit on his/her head)
sira ang ulo/sira ang tuktok -- taong maraming kalokohan ang nasa isip a crazy or foolish person
UTAK (BRAIN)
utak-biya -- bobo, mahina ang ulo stupid, brainless (literal=fish-brained)
matalas ang utak -- matalino bright, intelligent person (literal=sharp-brained)


retorika

Mga Nilalaman ng Paksang Aralin:

Mga Sangkap ng Retorika

Mga Kahalagahan ng Maretorikang pagpapahayag

Tayutay

Mga Pananalig sa Panitikan

Uri ng Pagpapahayag

Pamumunang Pampanitikan

Jornal

Pagtatalo / Debate

Paglalarawan

Matalinghagang Bukambibing


Mga Sangkap ng Retorika

Mga Kahalagahan ng Maretorikang pagpapahayag

Tayutay

Mga Pananalig sa Panitikan

Uri ng Pagpapahayag

Pamumunang Pampanitikan

Jornal

Pagtatalo / Debate

Paglalarawan

Matalinghangang Bukambibig